Brazil copy

RIO DE JANEIRO (AP) — Hindi pa man nasisimulan ang “parade of the athletes”, nagdiwang na ang Brazilian fans at nagpamalas na ng pamosong ‘Samba’ matapos bokyain ng Team Brazil ang China, 3-0, sa pagsisimula ng women’s football event nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila), sa Rio de Janeiro Olympic Stadium.

Naisantabi ang patuloy na protesta dulot ng kahirapan at suliranin sa edukasyon at kalusugan sa impresibong panalo ng Brazil para simulan ang kampanya para sa gintong medalya sa women’s football.

Hataw ang magkapatid na Monica at Cristiane sa kaagahan ng laro, bago ang huling goal sa ika-59 na minuto mula kay Andressa Alves.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakauna rin ang Sweden kontra South Africa 1-0 sa Group E.

Sa Mineirao Stadium sa Belo Horizonte, ang lugar kung saan natikman ng Brazil ang nakahihiyang 7-1 kabiguan sa Germany sa World Cup semifinal may dalawang taon na ang nakalilipas, umukit ng 2-0 panalo ang US women's team kontra New Zealand.

Sa pagtatapos ng laro, naghiyawan ang crowd ng "Zika, Zika" bilang patama kay American goalkeeper Hope Solo.

Ikinadismaya ng Brazil fans ang inilagay na larawan ni Solo sa kanyang Twitter account kung saan nakasuot siya ng mosquito net bilang panunutya sa naturang virus na kalat sa Brazil.

Binokya naman ng France ang Colombia 4-0.