BANGUED, Abra – Patay ang isang magsasaka matapos siyang barilin sa ulo ng sarili niyang anak sa kainitan ng kanilang pagtatalo sa gitna ng inuman sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Luzong, Luba, Abra nitong Martes ng gabi.

Ayon sa pulisya, agad na namatay si Nestor Samuel Cruzada, 58, habang naaresto naman ang anak niyang si Jerry Pisquil Cruzada, 35 anyos.

Batay sa imbestigasyon, nagtalo ang mag-ama sa gitna ng pag-iinuman hanggang bumunot ng .38 caliber revolver si Nestor ngunit naagaw ito ni Jerry at ipinutok sa ama. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog