Agosto 4, 1902 nang isapubliko ang Greenwich Foot Tunnel, isa sa mga unang underwater tunnel sa mundo, na may taas na 50 talampakan sa ilalim ng Thames River sa London, England.
Ito ay dinisenyo ng civil engineer na si Sir Alexander Binnie, at binuo ng John Cochrane & Co. na may bigat na 127,000 pulgada.
May habang 1,217, ang cast-iron tunnel ay binubuo ng 200,000 puting tiles. Ang pasilidad, na may lapad na siyam na talampakan, ay nag-uugnay din sa Cutty Sark at Island Gardens, at ligtas na nakakatawid ang mga tao sa ilog.
Dahil din sa tunnel ay nakakapunta ang mga residente ng London sa Isle of Dogs docks. Ang pabilog na entrance building ng tunnel ay may magkahawig na dulo. Binubuo rin ng tunnel ang parte ng National Cycle Route 1 ng United Kingdom.