Itinulak uli ng Gabriela Women’s Party-list ang panukalang magkaroon ng diborsyo sa bansa.
“It is high time that the state give couples in abusive and irreparable marriages the option to divorce. We hope that this time, both Houses of Congress will finally approve the Divorce Bill,” ayon kina Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, kasabay ng apela sa kanilang mga kapwa mambabatas na pagtuunan na ng pansin ang divorce bill.
Ang kontrobersyal na divorce bill ay isinampa sa Kamara noon pang 13th Congress ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ito nakakalusot.
Sa ilalim ng panukala, ang petitioner ay dapat na hiwalay na nang hanggang 5 taon sa kanyang asawa, ang petitioner ay legally separated ng dalawang taon sa asawa, kung psychologically incapacitated ang asawa at kung hindi na talaga maaayos ang pagsasama ng mag-asawa.
“We hope that our colleagues would consider this as a legitimate issue,” ayon kay De Jesus.
Sinabi naman ni Brosas na umaasa sila sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na poprotektahan at kikilalanin nito ang karapatan ng mga kababaihan.
“The President said he would support women during his SONA speech. This is a milestone legislation needed by women. We hope we could pass a law on divorce,” ani Brosas. - Charissa M. Luci