BAGUIO CITY – Arestado ang dalawang Arabo matapos ireklamo ng panggagahasa sa dalawang dalagita na ibiniyahe nila sa siyudad na ito mula sa Maynila.

Kinilala ni Senior Supt. George Daskeo, director ng Baguio City Police Office, ang dinakip na sina Abderrahman Mohamed Rashid, 34; at Waleed Shamlan Alshuweihi, 35, kapwa taga-United Arab Emirates at turista sa lungsod.

Bukod sa reklamo ng dalawang 16-anyos na babae laban sa kanila, nakumpiskahan din ang mga dayuhan ng siyam na tea bags na may marijuana.

Batay sa reklamo, kasama ang isang 19-anyos na babae mula sa Tondo, ay pinangakuan ng mga suspek ang dalawang dalagita na babayaran ng P2,000 bawat isa para magsilbing tour guide ng mga dayuhan sa Baguio City. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog