Agosto 3, 1946 nang buksan sa publiko ang Santa Claus Land (tinatawag ngayong Holiday World), ang unang amusement park sa mundo. Ang industrialist na si Louis J. Koch ang bumuo ng proyekto matapos niyang mabahala na baka hindi personal na masilayan ng kanyang mga anak si Santa Claus.
May Santa Claus na nakapaloob sa nasabing theme park, gayundin ang isang toy shop and displays, rides para sa mga bata at isang kainan. Sa loob ng ilang dekada, gustung-guto ng mga bata na maupo sa mga binti ni Santa, at ibinubulong ng mga ito ang kanilang kahilingan.
Taong 1984, kasama na rin sa ipinagdiriwang sa nasabing theme park ang Halloween at ikaapat ng Hulyo, at pinalitan ng pangalan na kasalukuyang ginagamit nito. Ang Raven wooden roller coaster, na ibinoto bilang pinakamagandang roller coaster sa mundo, ay inilunsad noong 1995.
Ang theme park, na nag-aalok ng 51 ride at live entertainment, ay humahalina sa halos isang milyong bisita kada taon.
At nanalo ng Applause Award noong 2004.