ANG ilan sa mga pulis na napatay matapos umanong manlaban sa mga humuhuli sa kanila ay mga bata mismo ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na protektor umano ng ilegal na droga na gustong burahin at ibaon sa limot, kasama ng bangkay ng mga ginamit niyang asset, ang mga bakas ng kanilang ugnayan sa mga drug lord. Matagal ko na itong hinala at ng iba pang mga katulad kong labas-masok sa mga kampo at presinto ng PNP para kumuha ng mga balitang isusulat, pero wala kaming diretsong katibayan para rito – pulos hinala na lamang.
Pero nitong weekend, nasuportahan ang aking hinala nang makakuwentuhan ko ang isang nirerespeto kong dating opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para ilapit ang problema ng isang pamangkin niyang natanggal sa pagiging pulis dahil sa pagre-recycle ng mga nakumpiska niyang shabu. Ang pamangkin niya raw ay nagtatago na ngayon at hindi makapamasada, naging tricycle drayber ito nang madismis bilang pulis, nang malaman niyang ang iba pa niyang kasamahang nasangkot din sa pagre-recycle ng shabu ay isa-isang itinutumba – namamatay daw sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa mga buy-bust operation.
Malakas daw ang loob nilang mag-recycle ng drogang nakukumpiska dahil na rin sa utos ito ng boss nilang opisyal ng PNP na ang pakinabang sa napagbentahan ng shabu ay halos dalawang ‘katlo (2/3) at ang natitira naman ay pinaghahatian ng lahat ng nakasama sa operasyon nila. Napuruhan daw siya sa kaso nang may mag-tip na kasamahan din nila at dahil daw sa siya mismo ang nahuling nagdidispatsa, siya ang nadiin. Nakalusot daw siya sa kasong kriminal pero kapalit naman nito ang pagkakatanggal niya sa serbisyo bilang pulis na nakatalaga rito sa isang distrito sa Metro Manila.
Inilapit sa akin ng kaibigan ko ang kasong ito dahil parang gusto na raw “ikanta” ng pamangkin niya sa tamang awtoridad ang mga nalalaman nito hinggil sa kanyang mga dating boss. Nakikita niya raw kasi na namamayagpag pa ang dating boss niya at tila nakakasama pa sa mga accomplishment ng PNP sa mga accomplishment laban sa droga, gayong ang totoo ay sobrang pasok ito bilang protektor ng mga sindikato. Pero hanggang ngayon ay takot pa rin daw ang namamayani sa kanya kaya’t ‘di pa siya makapagpasiya kung lulutang na para kumanta dahil natatakot naman siya para sa kaligtasan ng mga mahal niya sa buhay.
Mag-text at tumawag sa: 09954131597 o kaya’y mag-email sa: [email protected] (ANG ilan sa mga pulis na napatay matapos umanong manlaban sa mga humuhuli sa kanila ay mga bata mismo ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na protektor umano ng ilegal na droga na gustong burahin at ibaon sa limot, kasama ng bangkay ng mga ginamit niyang asset, ang mga bakas ng kanilang ugnayan sa mga drug lord. Matagal ko na itong hinala at ng iba pang mga katulad kong labas-masok sa mga kampo at presinto ng PNP para kumuha ng mga balitang isusulat, pero wala kaming diretsong katibayan para rito – pulos hinala na lamang.
Pero nitong weekend, nasuportahan ang aking hinala nang makakuwentuhan ko ang isang nirerespeto kong dating opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para ilapit ang problema ng isang pamangkin niyang natanggal sa pagiging pulis dahil sa pagre-recycle ng mga nakumpiska niyang shabu. Ang pamangkin niya raw ay nagtatago na ngayon at hindi makapamasada, naging tricycle drayber ito nang madismis bilang pulis, nang malaman niyang ang iba pa niyang kasamahang nasangkot din sa pagre-recycle ng shabu ay isa-isang itinutumba – namamatay daw sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa mga buy-bust operation.
Malakas daw ang loob nilang mag-recycle ng drogang nakukumpiska dahil na rin sa utos ito ng boss nilang opisyal ng PNP na ang pakinabang sa napagbentahan ng shabu ay halos dalawang ‘katlo (2/3) at ang natitira naman ay pinaghahatian ng lahat ng nakasama sa operasyon nila. Napuruhan daw siya sa kaso nang may mag-tip na kasamahan din nila at dahil daw sa siya mismo ang nahuling nagdidispatsa, siya ang nadiin. Nakalusot daw siya sa kasong kriminal pero kapalit naman nito ang pagkakatanggal niya sa serbisyo bilang pulis na nakatalaga rito sa isang distrito sa Metro Manila.
Inilapit sa akin ng kaibigan ko ang kasong ito dahil parang gusto na raw “ikanta” ng pamangkin niya sa tamang awtoridad ang mga nalalaman nito hinggil sa kanyang mga dating boss. Nakikita niya raw kasi na namamayagpag pa ang dating boss niya at tila nakakasama pa sa mga accomplishment ng PNP sa mga accomplishment laban sa droga, gayong ang totoo ay sobrang pasok ito bilang protektor ng mga sindikato. Pero hanggang ngayon ay takot pa rin daw ang namamayani sa kanya kaya’t ‘di pa siya makapagpasiya kung lulutang na para kumanta dahil natatakot naman siya para sa kaligtasan ng mga mahal niya sa buhay.
Mag-text at tumawag sa: 09954131597 o kaya’y mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)