CANDELARIA, Quezon – Nilooban ng isang security guard ang gasolinahan na kanyang binabantayan at sinira ang bakal na vault para matangay ang kinita ng establisimyento sa Barangay Mangilag Sur, nitong Lunes ng umaga.

Madaling araw nang nilooban umano ni Reynaldo H. Basilan, 32, ng Bgy. San Roque, Sariaya, ang gasolinahan ng Sea Oil sa Bgy. Mangilag Sur.

Ayon sa report, iniulat ni Clarissa E. Atienza, 21, station head, na sinira umano ng suspek—na on duty ng araw na iyon—ang vault at tinangay ang P90,033 cash doon, bukod pa sa anim na litro ng engine oil at ang 12-gauge shotgun na service firearm nito.

Pinaghahanap na si Basilan. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog