Tiniyak kahapon ni acting Southern Police District (SPD) director chief Supt. Tomas Apolinario Jr. sa mga mamamahayag ang masusing imbestigasyon sa 97 kaso ng pagpatay sa katimugang bahagi ng Metro Manila, simula nitong Hulyo 1 hanggang kahapon.
Sa pulong balitaan, inamin ni Apolinario na hindi niya masabi kung may “death squad” sa nasabing lugar kung kaya’t kaliwa’t kanang itinutumba ang mga umano’y sangkot sa ilegal na droga.
Tiwala ang opisyal na malimit gamitin ng mga salarin ang motorsiklo sa pamamaslang dahil ito umano ang pinakamabilis na paraan upang makatakas.
Sa kasalukuyan, aabot sa kabuuang 320 motorsiklo ang naka-impound SPD matapos kumpiskahin mula sa mga nasitang rider dahil sa kawalan ng kaukulang papeles. (Bella Gamotea)