Humanay ang University of Santo Tomas sa opening day winner na University of Perpetual Help at De La Salle University matapos walisin ang National College of Business and Arts (NCBA), 25-18, 25-20, 25-13, kahapon sa pagpapatuloy ng Spiker’s Turf Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig.

Nagtala ng 12 hit at dalawang block si Arnold Bautista para sa kabuuang 14 puntos upang pangunahan ang Tigers sa unang panalo, habang nag-ambag si Andre Medina ng 10 puntos.

Dumagundong ang spike ng Tigers sa 38-22, tampok ang anim na service ace.

Nagtapos na topscorer para sa NCBA sina Jeffrey Jimenez at Jason Canlas na may tig-pitong puntos.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Tanging sa net defense lamang nakasabay ang Jaguars nang nagposte ito ng apat na block, sa pangunguna ni Jimenez na nagtala ng dalawa bukod sa limang hit. (Marivic Awitan)