Patay ang isang sundalo at isa pa ang nasugatan makaraan silang barilin ng kapwa nila miyembro ng Philippine Army sa Negros Occidental, nitong Linggo ng hapon.

Kinumpirma ni Lt. Col. Darryl Bañes, commanding officer ng 62nd Infantry Battalion, ng Philippine Army, na napatay si PFC Rusky Balgona, 30, ng Barangay Dian-ay, Escalante City, matapos barilin ni Sgt. Aproniano Dominguez, 40, ng Bunawan, Agusan del Sur.

Ayon sa imbestigasyon ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOPPO), binaril ni Dominguez ang biktima gamit ang kanyang M-16 armalite rifle.

Nagkatuwaan umanong maligo sa resort sa Cadiz City ang mga sundalo dahil birthday ng isa nilang kasamahan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid na dakong 5:00 ng hapon nang sa gitna ng inuman ay nagkapikunan sina Dominguez at Balgona.

Nasugatan naman sa kamay si PFC Arjoe Gabia, 27, ng Camarin, Caloocan City, matapos umawat sa away ng dalawang kasamahan.

Nabawi ng pulisya ang armalite na ginamit ni Dominguez, na nakakulong na sa himpilan ng NOPPO. (Fer Taboy)