Inulan ng mga usisero at manloloko ang Emergency Hotline 911 mula nang ito ay buksan, dahilan upang magpalabas ng mahigpit na babala si Philippine National Police Chief Director General Ronald M. Dela Rosa.

Mula 12:01 ng hatinggabi hanggang kahapon ng 7:00 ng umaga, umabot sa 2,475 tawag ang naitala sa Emergency Hotline 911. Sa nasabing bilang, 75 lamang ang lehitimo, 1,119 ang dropped calls at 304 naman ang prank calls.

“We are currently tracking the prank callers and we will make sure that you will be unmasked,” ayon kay Dela Rosa.

“I am also appealing to our people to refrain from making prank calls or test calls to our 911 hotline because this will clog up the lines and prevent the people with real emergencies to reach us,” dagdag pa nito.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Mula nang buksan ang emergency hotline, karamihan sa mga tawag na natanggap ay may kaugnayan sa emergencies tulad ng ambulance assistance, vehicular accidents, kaguluhan, karera ng sasakyan, pag-inom ng alak sa publiko, harassment, illegal drug pushing at mga riot.

Samantala ang mga ito ay inasistehan naman ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Department of Health (DoH). (Fer Taboy)