BORACAY ISLAND - Kasalukuyang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Malay sa Aklan ang one-way traffic sa isla ng Boracay.
Ayon kay Rowen Aguirre, executive assistant ng Office of the Mayor, ang one-way traffic ay inaasahang magtatapos sa Agosto 15.
Ilan lamang sa mga dahilan ng one-way traffic ay ang pansamantalang pagsasaayos sa mga drainage sa isla upang maiwasan ang baha tuwing tag-ulan.
Naranasan ng mga taga-Boracay ang baha sa pananalasa ng bagyong ‘Carina’ nitong weekend.
Dahil dito, pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga turista na agahan ang pagpunta sa mga paliparan (Caticlan at Kalibo) dahil inaasahang mahaba ang pila sa jetty port. (Jun N. Aguirre)