Hihilingin ni Speaker Pantaleon Alvarez kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-iisyu ng executive order na bubuo sa 20-man constitutional commission na siyang babalangkas sa draft ng bagong charter.

Ang komisyon ay kabibilangan ng law experts, kabilang dito sina dating Supreme Court Chief Justice Renato Puno, dating Senate President Aquilino Pimentel, dating mayor Reuben Canoy, San Beda College of Law Dean Ranhilio Aquino at dating senador at broadcaster na si Orly Mercado.

“Nalulungkot ako na medyo negatibo ang dating nito dahil nga siguro sa nasirang tiwala ng bayan sa Kongreso,” ayon kay Alvarez, nagsusulong sa Constituent Assembly (Con-Ass).

Ang komisyon ang babalangkas ng draft sa bagong charter, isusumite ang draft sa Kongreso at ang Con-Ass naman ang bubusisi at magpapatibay dito. Hahatulan naman ng taumbayan sa 2019 midterm elections ang final draft.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

(Charissa M. Luci)