“Just remain loyal to the Constitution and I’d be happy, really, just honor the flag.” Ito ang mahigpit na paalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

“I am happy that you secure my person but just the same I would like to caution everybody na, I do not cultivate adoration or a personal loyalty,” pahayag pa ng Pangulo.

Ang Pangulo ay nakipagkita sa PSG at kanilang pamilya noong Linggo ng gabi sa PSG Grandstand sa Malacañang Park, kung saan sinabi niya na katulad ng PSG, siya man ay isa ring empleyado ng gobyerno.

“Pareho lang tayo trabahante lang ng gobyerno, Galing ako sa mahirap na pamilya at rose from the ranks din ako,” ani Duterte.

Eleksyon

'Babalik na sa politika!' De Lima, lead nominee ng Mamamayang Liberal party-list

Sa kabila nito, binanggit din ng Pangulo na bilib siya sa loyalty ng PSG.

Bilin pa ng Pangulo, hindi dapat matakot sa harassment ang PSG, lalo na kung may kaugnayan ito sa kanilang trabaho.

(Elena L. Aben)