TRENDING topic uli sa Pilipinas si Steve Harvey.

Kahit ibinalita na ng ABS-CBN via Twitter na siya ang magho-host ng 2017 Miss Universe na gaganapin sa Pilipinas, may mga ayaw pa ring maniwala. 

Baka nagbibiro lang daw ang ABS-CBN, pero totoong ang controversial host ng 2015 Miss Universe ang darating sa ating bansa para maging host ng Miss Universe sa January 30, 2017.

Siguradong kilala pa ng mga Pinoy si Steve Harvey dahil malinaw pa sa alaala ng lahat ang pagkakamali niya sa pag-announce ng winner sa 2015 Miss Universe. Sa halip na Miss Philippines, Miss Colombia ang nabanggit niya, hayun, marami tuloy ang nam-bash kay Miss Universe Pia Wurtzbach at sa bansa natin.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Nakakatawa ang usapan sa social media, baka raw magkamali na naman si Steve Harvey sa pag-a-announce ng winner at baka i-announce si Miss Philippines kahit hindi siya ang winner.

Tiyak na ‘pag narito na sa bansa si Steve Harvey at in-interview, matatanong pa rin siya sa malaki niyang pagkakamali. —Nitz Miralles