Harry_Potter_and_the_Cursed_Child_Special_Rehearsal_Edition_Book_Cover copy

LIMANG TAON simula nang malungkot na magpaalam ang fans ng Harry Potter sa kinalakihan nilang boy wizard, may bagong play, librong inilabas at spin off film na muling nagsasabog ng mahika sa buong mundo.

Nalungkot ang fans sa buong mundo pagkatapos ng huling pelikula na Harry Potter and the Deathly Hollows: Part 2 noong 2011, ang katapusan ng pagsasalin sa pelikula sa seven-book series ni J.K. Rowling.

Ngunit ang pahayag noong 2013 ng tatlong Fantastic Beasts na pelikula, ang London play na Harry Potter and the Cursed Child na nagsimula nitong weekend, at ang kasunod na book release ng script ay muling pumukaw sa fandom at lalo pang nagpalawak sa Potter Universe.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

“It seems like (Rowling) had the break she needed and she’s now ready to get back to the Potter world in a big way,” sabi ni Andrew Sims, 27, co-founder ng young adult fandom website na Hypable.com

“People who read the book as children or teens, today they’re in their twenties and thirties. We’ve all grown up together with Harry and events like book release parties coming up will be us returning to our childhood,” dagdag ni Sims.

Bumenta ng mahigit 450 million na kopya sa buong mundo ang pitong Harry Potter na libro tungkol sa naulilang boy wizard sa isang magical universe.

Ang isinulat ni Rowling na pelikulang Fantastic Beasts and Where to Find Them ay magbubukas sa Nobyembre, kasunod ng Potter stories na may mga bagong karakter at istorya, na sa New York City ang tagpuan at naganap noong 1962.

Ang script ng Cursed Child play, tinaguriang ikawalong Harry Potter story, ay isa nang U.S. best-selling book na may pre-order simula pa noong 2007. Noong Sabado, naganap ang midnight book release parties sa bookstores sa U.S. at UK.

(Reuters)