BAGUIO CITY - Mahigit P62-milyon halaga ng mga tanim na marijuana ang pinagbubunot at sinunog sa tatlong araw na operasyon ng magkasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera at Kalinga Police Provincial Office, sa bayan ng Tinglayan sa Kalinga.

Nabatid na mahigit 300 fully grown marijuana plants ang binunot mula sa 45,000 metro kuwadradong taniman sa apat na magkakahiwalay na lugar Mt. Chumadchill sa Barangay Locong sa Tinglayan.

Ayon sa PDEA-Cordillera, dahil sa pinaigting na kampanya laban sa droga sa rehiyon ay tumaas na ang presyo ng bentahan sa marijuana dahil kumaunti na ang supply nito.

Ang dating P5,000 presyuhan sa isang-kilong marijuana bricks ay ibinebenta na ngayon ng P7,000 pataas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Rizaldy Comanda)