Nasa 30,000 establisyemento sa Quezon City ang nakakuha na ng Fire Service Inspection Certificate (FSIC) bilang pagtalima sa business fire code, habang nasa 448 naman ang insidente ng sunog na naganap sa Quezon City sa taong kasalukuyan.
Dulot na rin ito ng awareness program na ipinatupad ng Quezon City Fire Department hinggil sa fire prevention kung saan naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod ang 448 insidente ng sunog mula January hanggang July 2016.
Ayon kay QC Fire Marshall Sr. Supt. Jesus Fernandez, patuloy ang fire inspection ng BFP sa mga establisyemento sa lungsod upang maiwasan ang sunog.
Aniya, may sapat na kagamitan at modernong 35 fire trucks ang Quezon City Fire Department para labanan ang insidente ng sunog.
Nanawagan ang BFP sa mga may-ari ng commercial establishments at dormitories na tumalima sa fire code upang makaiwas sa sunog. - Jun Fabon