Nasa ‘code white alert’ ngayon ang Department of Health (DOH) bunsod ng patuloy na paglakas ng bagyong ‘Carina’.

Ayon sa DOH, ang code white alert ay bahagi ng ginagawang paghahanda ng pamahalaan laban sa epekto na maaaring idulot ng bagyo.

Sa ilalim ng code white alert, ang lahat ng manpower ng mga ospital ay dapat na on-call at handang rumesponde sa anumang emergency.

Bukas rin 24 oras ang Health Emergency Management Staff Operations Centers upang i-monitor ang anumang health-related events na nangangailangan ng agarang pagtugon at atensyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dapat ring kumpleto ang suplay ng mga gamot na posibleng kailanganin sa panahon ng emergency, gayundin ang mga supplies, at mga equipment sa pagamutan. - Mary Ann Santiago