Dapat pa rin igalang ang buhay ng tao sa pagsugpo at paglaban sa kriminalidad.

Ito ang paalala ni Balanga Bishop Ruperto Santos, pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI), kasunod ng serye ng pagkakapatay ng mga indibidwal na pinaghihinalaang sangkot sa droga sa harap ng all-out war ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

Iginiit ni Santos na ang bawat tao ay anak ng Diyos kaya’t bawat buhay ay mahalaga at dapat respetuhin ang dignidad ng bawat isa.

Umapela ang obispo sa mga awtoridad na huwag tingnan ang mga pinaghihinalaang drug pusher bilang mga numero lamang, kundi mga tao na may karapatan sa tamang proseso ng batas. - Mary Ann Santiago

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente