Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa banta ng ISIS o Islamic State sa bansa, sa pamamagitan ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ang ISIS ay isang Jihadist militant group na kumikilos sa Iraq at Syria, na responsable umano sa paghahasik ng terorismo sa Europe.

Ayon sa Pangulo, hindi umano magkakaroon ng ‘komportableng kinabukasan’ ang bansa kapag hindi naresolba ang panloob na seguridad na mas pinapalala pa ng Abu Sayyaf, grupong may koneksyon umano sa ISIS.

“They will never find peace with the threat of ISIS looming in the horizon. May Abu Sayyaf diyan, it’s affiliated with the ISIS. Do you think we will have a comfortable tomorrow?” ayon sa Pangulo, nang bumisita ito sa kampo ng militar sa Davao del Norte.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nauna rito, ipinag-utos na ni Pangulong Duterte ang pagpulbos sa ASG dahil sa krimeng isinasagawa nito, katupad na lamang ng pagdukot at pagpugot sa ulo ng mga dayuhang bihag.

Tiniyak ng Pangulo na hindi makikipag-usap ang pamahalaan sa ASG, sa halip ay ipinalilipol pa niya sa mga kawal ng pamahalaan ang bandidong grupo. - Genalyn Kabiling