Bawal na sa kahabaan ng EDSA ang UV Express, base na rin sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa Memorandum No. 2016-009 ng LTFRB, hindi na puwedeng bumiyahe sa EDSA ang UV Express Service, maliban lang sa pagtawid upang makarating sila sa kanilang destinasyon.
Ang kautusan ay ipinalabas noong Huwebes, samantala epektibo ito agad kahapon. Ang nasabing hakbang ay isa umanong paraan upang bawasan ang matinding na trapiko sa EDSA.
“UV Express shall no longer be required to traverse a specified/particularized route. Henceforth, they may traverse the shortest and/or most convenient route in reaching their end points/destinations, provided however, that UV Express Services are not allowed to traverse EDSA, except when crossing the same,” ayon a direktiba.
Sa iba pang ulat, hindi na rin papayagan ng LTFRB ang public transport operators na ilipat o ibenta ang kanilang Certificates of Public Convenience (CPCs). Ang kautusan ay epektibo simula August 13. (Vanne Elaine P. Terrasola)