Hindi na umabot pa sa ospital ang buhay ng isang 33-anyos na tambay nang pagbabarilin ng tatlong ‘di kilalang lalaki habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kahit napuruhan, pinilit pa ni Jayson Limpin, residente ng 725 Interior 44, Laong Nasa St., Tondo, na makauwi sa kanilang bahay upang humingi ng tulong sa kanyang mga kaanak.

Naisugod naman sa Metropolitan Medical Center ang biktima ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor dahil umano sa dami ng nawalang dugo sa katawan.

Samantala, blangko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo ng mga ito sa pamamaril.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Lumilitaw sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, na dakong 1:00 ng madaling araw kahapon nang maganap ang pamamaril sa riles na sakop ng Dagupan Extension, sa Tondo.

(Mary Ann Santiago)