Hulyo 31, 1964 nang makunan ng malapitan ng American lunar probe na “Ranger 7” ang buwan, na mas malinaw ng 1,000 beses kumpara sa kuha ng earth-bound telescopes.
Nasa kabuuang 4,316 imahe ang naisalin sa spacecraft, sa loob ng 15 minuto bago ito makarating sa lunar surface ng “Sea of Clouds.”
Makikita sa mga larawan na ang lunar surface ay hindi gaano maalikabok.
Inilunsad ang “Ranger 7” sa space noong Hulyo 28, 1964 at bibit ang dalawang fill-scan camera, apat na partial scan camera, at anim na television vidicon camera. Layunin din nitong bumuo ng lunar impact trajectory.
Sa unang bahagi ng taong iyon, sinubukan ng “Ranger 6” ng National Aeronautics and Space Administration ang misyon ngunit nabigong makunan ang sharp images ng buwan.