LA PAZ, Tarlac – Limang katao ang nasugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa La Paz-Sta. Rosa Road sa Barangay San Roque, La Paz, Tarlac.

Sa report ni SPO1 Dominador Yadao, nasugatan sina Paulo Pineda, 15, driver ng tricycle (RL-1943), ng Bgy. San Roque; Reden James Timbang, 14, ng Bgy. San Isidro; Arnel Pancho, 15, ng Bgy. Roque, La Paz, Tarlac; Linardo Cerezo, 22, ng Bgy. Bukbukin, Aguilar, Pangasinan; at Victor Moral, 45, may asawa, ng Bgy. Balingcanaway, Tarlac City.

Dakong 3:00 ng hapon, patungong silangan ang tricycle ni Pineda nang makabangga ang kasalubong na jeep, na minamaneho ni Moral, at ang motorsiklo ni Cerezo. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog