Hulyo 30, 1962 nang buksan sa mga motorista ang Trans-Canada Highway, na kumukonekta sa lahat ng probinsya sa Canada.

Ang highway, pinakamahaba sa buong mundo, ay may habang 7,821 kilometro.

Itinayo ang highway sa halagang P1 billion sa loob ng dalawang dekada, dahil sa makitid nitong daan, at madadaanan ang Rocky Mountains. Dahil dito ay naging madali para sa mga biyahero na bumiyahe sa pagitan ng British Columbia at Alberta.

Ang Rogers Pass, na madadaanan sa pagbaybay sa highway, ay nadiskubre ni A.B. Rogers noong 1882 para sa Canadian Pacific Railway.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Inabandona ang nasabing railway noong 1916 matapos itayo ang isang tunnel upang maiwasan ang disgrasya mula sa pagguho.

Taong 1949, ipinatupad ng parlamento ng Canada ang batas na hihikayat ng suporta sa pagpapatayo ng mahabang highway.