SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Pinatay ang isang barangay tanod sa loob mismo ng compound ng barangay hall makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin na nasa drug watchlist ng bayang ito, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni Senior Insp. Arnel Aguilar sa tanggapan ni Mayor Arvin Salonga, nakilala ang biktimang si Conrado De Guzman, nasa hustong edad, residente ng nasabing lugar, na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng hindi natukoy na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong 7:30 ng gabi at nasa loob ng compound ng barangay hall si De Guzman nang dumating ang mga suspek na riding-in-tandem at pinagbabaril ng nakaangkas ang biktima. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog