MULING pinatunayan ni Sunshine Cruz ang kanyang pagiging hot momma sa opening number ng FHM Philippines 100 Sexiest 2016 Victory Party sa Valkyrie, Bonifacio Global City sa Taguig last Tuesday night.

Punumpuno ang venue at maraming pinahanga lalung-lalo na ang kalalakihan sa opening number ni Sunshine. Pero banggit agad ni Shine sa amin, ipinagpaalam niya ‘yun sa mga anak niya.

Aniya, habang papunta sa venue ay sobra ang kaba niya at dasal nang dasal siya na sana ay mairaos niya nang maganda at hindi siya magkamali sa dance number niya.

“First time ko kasi ‘yun to attend this kind of event and sobrang nervous ko talaga, but siyempre andu’n pa rin ang excitement at the same time. ‘Buti nga, eh, medyo nakapagbawas ako ng timbang kasi sa kinakain ko sa taping na hindi ko nagawa ang exercises ko, eh, naramdaman kong medyo nag-gain ako ng weight,” sey ng aktres.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Nagpapasalamat siya sa FHM na siya ang kinuha for the opening dance production number.

“Proud din ako kasi sinabi nilang ako raw ang kauna-unahang Filipina na naging cover ng FHM Philippines. I was the first Pinay FHM cover no’ng 2000. Then nu’ng nag-comeback ako nu’ng 2013, I did it again,” masayang kuwento pa ni Sunshine.

Pero kung sakali raw na kukunin siyang muli for FHM cover sa pangatlong pagkakataon ay pag-iisipan muna niyang maigi.

“Hard to say na payag agad ako. For now kasi I haven’t thought of it. But I had so much fun with FHM and thank you sa kanila,” banggit pa ng aktres na bising busy ngayon sa taping ng top-rating Dolce Amore na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa ABS-CBN. (JIMI ESCALA)