Sa paglabas ng Final Award ng Permanent Court of Arbitration sa isyu ng South China Sea, panahon na para huminahon, mag-isip ng mga paraan kung paano makasulong, at kung ano ang pinakamabisang paraan sa diplomasya upang matiyak na ang epekto ng desisyon ay sasalamin din sa mga diskusyon sa hinaharap.

Ito ang binigyang-diin ni United States Ambassador to Manila Philip Goldberg kasunod ng pagbisita ni US State Secretary John Kerry sa bansa kung kailan ipinahayag nito ang suporta ng Amerika sa desisyon ng PCA.

“I think everyone needs to wait to see this all proceeds and not just immediately jump into conclusion,” sabi ni Ambassador Goldberg, idiniin na hindi bumitaw ang US sa suporta nito sa Pilipinas sa pagsusulong ng kaso sa PCA.

“We’ve always said that it’s legally binding and we said that before the decision and we say it after the decision so it’s legally binding,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binigyang-diin ni Goldberg na ang pahayag na inilabas sa pagtatapos ng 49th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting (AMM) kamakailan sa Vientiane, Laos ay sumusuporta sa international law, partikular sa United Nations Convention on the Law of the Seas.

“We all know that ASEAN statements are reached by consensus and sometimes require a lot of diplomacy and must be read along the lines,” wika ng American diplomat.

“I would say that the statement from our point of view, although we are not member of ASEAN but Secretary Kerry was in Laos as was Chinese foreign minister, it mentioned the right thing,” dagdag niya.

Ayon kay Goldberg, ang desisyon ng PCA ay legally binding at kinikilala ng ASEAN na ang mga legal na solusyon sa ilalim ng UNCLOS ay balido at mahalagang isaisip.

“And also remember that these decisions are taken by consensus and therefore makes it different that country making a statement on its own which I understand many countries did during the session,” aniya.

Kahit na kasama ang isyu ng South China Sea sa mga agenda nito bago inilabas ng arbitral tribunal ang award, hindi nakabuo ang ASEAN bilang isang regional group ng unified statement sa kaso sa pagtatapos ng AMM.

(ROY MABASA)