BAUAN, Batangas - Tatlong heavy equipment na ginagamit sa road widening ang umano’y ninakaw sa isang construction firm na pag-aari ng alkalde sa isang bayan sa Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 7:30 ng umaga nitong Hulyo 25 nang matuklasang nawawala ang kagamitan ng NBL Construction Supply, na pag-aari umano ni Mabini Mayor Noel Luistro.

Nawala umano sa Barangay San Roque sa Bauan ang brand new hydraulic breaker, na nagkakahalaga ng P400,000; road roller at walk behind roller na parehong nagkakahalaga ng P200,000.

Posible umanong gumamit ng boom truck o malaking kagamitan ang mga suspek sa pagtangay sa mga nabanggit na heavy equipment, ayon sa pulisya. (Lyka Manalo)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?