Itatatag muna ang isang advisory council na kinabibilangan ng mga eksperto at lider ng iba’t ibang sektor para magtakda ng parameters sa pag-amiyenda sa 1987 Constitution na siyang gagabay sa constituent assembly (Con-Ass).

Ito ang inihayag ni Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez, kung saan ang council ay pwede umanong i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte o ng Kongreso mismo.

“My proposal calls for the creation of a council of leaders or experts that will recommend the provisions of the 1987 Constitution that necessitates amendments,” ani Benitez.

Binigyang diin ng kongresista na hindi naman kailangang lahat ng probisyon ay palitan dahil ang mga probisyon na ayos pa naman ay pwede pang panatilihin.

May lason? EcoWaste may babala 'di awtorisadong bersyon ng Labubu dolls

“This scheme will allow the constituent assembly to complete its assigned task within the time period allotted by Congress. At the same time, only vital and urgent amendments will be considered,” paliwanag pa nito.

Inaasahang kikilos na ang federal government sa bansa sa 2022. (Ben R. Rosario)