Sa kabila ng temporary restraining order ng Korte Suprema laban sa pagpapatupad ng curfew, buong-loob pa rin ang suporta dito ng mga residente sa 14 na barangay sa Navotas City.

Ayon sa mga residente, kailangan talagang ipatupad ang curfew sa lungsod para sa mga menor de edad dahil dito naibsan ang nangyayaring krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan.

“Malaking bagay po ang curfew kasi kagaya ng anak ko simula ng ipatupad ang curfew hindi na lumalabas ng 10:00 ng gabi para lang mag-Internet sa labas,” ayon kay Aling Gloria residente ng nasabing lungsod. (Orly L. Barcala)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente