Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Center)

4:15 n.h. -- Blackwater vs Rain or Shine

7 n.g. -- Talk ‘N Text vs Alaska

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Haharapin ng Talk ‘N Text Katropa ang Alaska Aces sa tampok na laro ngayon sa OPPO-PBA Governors Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Galing sa magkasunod na panalo, tatangkain ng Katropa na mapanatili ang mainit na kampanya sa kanilang duwelo laban sa Aces sa ganap na 7:00 ng gabi kung saan mapapantayan nila ang nangungunang Mahindra Enforcers (3-0).

Hangad naman ng Aces na masundan ang malaking 109-100 panalo kontra Ginebra Kings nitong Miyerkules.

Inaasahang muling sasandig ang Tropang Texters kay import Mario Little, asian import Michael Madanly at ace guard Jayson Castro.

Nasa frontline naman ng Alaska ni coach Alex Compton sina Calvin Abueva, import LeDontae Henton, Sonny Thoss, at Jayvee Casio.

Mauuna rito, mag- uunahang makapagtala ng ikalawang panalo ang magkatunggaling Blackwater at Rain or Shine sa ganap na 4:00 ng hapon. (Marivic Awitan)