SAN JOSE, Tarlac - Naglunsad ng malawakang pagtugis ang mga tauhan ng San Jose Police laban sa isang lalaki na pinasok at ginahasa umano sa banyo ang isang dalagita habang naliligo sa Barangay Mababanaba, San Jose, Tarlac.

Kinse anyos lamang ang sinasabing biniktima ni Robert Capiral, nasa hustong gulang, ng Bgy. Maamot, San Jose.

Sa imbestigasyon ni PO1 Leizel Bunagan, dakong 1:00 ng hapon nitong Miyerkules at naliligo ang dalagita nang umano’y pasukin siya at halayin ni Capiral, bago binantaan ang biktima sakaling magsumbong. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog