Lovi Poe 2 copy copy

ANG tanong ng mga kaibigan naming nakatira sa ibang bansa, na hindi namin masagot dahil hindi naman kami close kay Lovi Poe, bakit daw sa tuwing may project ang aktres ay natitiyempong hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Rocco Nacino.

Oo nga, napaisip din kami, bakit nga ba? Hindi naman siguro gumigimik ang aktres, Bossing DMB?

Tinanong namin ang taong close kay Lovi, at ang sabi sa amin, “Matagal na silang hiwalay ni Rocco, two years ago pa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Mag-on pa sila nu’ng i-shoot nila ang Lakambini, ‘tapos biglang maghiwalay, pero maski hiwalay na, itinuloy ang movie. ‘Yun lang, natagalang tapusin ang movie kaya sa set na lang sila nag-uusap. Dapat sana kasama sa MMFF 2016, eh, hindi na umabot kasi nasa number 9 or 10 slot na lang.”

May bagong pelikula si Lovi sa Regal Entertainment, ang The Escort mula sa direksiyon ni Enzo Williams at kasama niya sina Christopher de Leon at Derek Ramsay. May nagsitsit sa amin na matitindi ang love scenes ng dalawang aktor kay Lovi.

Nakunan na raw ‘yung kay Derek at excited daw ang aktres sa love scene naman nila ni Boyet.

“For a change naman, may edad naman ang ka-love scene ni Lovi. Tinuhog nga niya diyan sina Derek at Boyet,” sabi pa ng source.

Sabagay, napanood na namin si Lovi sa mga ganitong eksena sa pelikulang My Neighbor’s Wife (2008) at talagang palaban siya sa love scenes.

Sitsit pa sa amin, “Wala pang nakaka-love scene si Lovi na may edad na kaya excited siya, baka nga naman mas mag-i-enjoy siya.”

Kung hindi magbabago ang plano, sa Setyembre ang showing ng The Escort nina Lovi, Derek at Boyet. (REGGEE BONOAN)