BAMBAN, Tarlac - Dalawang driver at tatlong iba pa ang duguang isinugod sa ospital matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa highway ng Barangay Anupul sa Bamban, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Jeramie Naranjo, ang mga nasugatan na sina Jay Ron Ramos, 28, driver ng tricycle (RW-5663), ng Bgy. Binauganan; Gregorio Valencio, 43, may asawa; Erwin Sangalang, 25; at Jerry Cano, 31, pawang taga-Bgy. Ungot, Tarlac City.

Sugatan din si Ericson Magtoto, 28, equipment engineer, driver ng Nissan Sentra (ULB-493), ng Capas, Tarlac.

Bukod sa tricycle at kotse, sangkot din sa karambola ang isang Isuzu wingvan truck (RLT-918) na minamaneho ni Warlito Julian, 36, ng Mayantoc, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog