CAMP MARCELO ADDURU, Tuguegarao City – Dalawang umano’y kilabot na tulak ng ilegal na droga at kabilang sa top most wanted sa bayan ng Lasam sa Cagayan ang napatay matapos na makipagbarilan sa mga pulis.

Sa report kahapon mula kay Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office, ang napatay ay sina Erwin Bicera, 43, ng Barangay Centro 1, Lasam, at number one sa drug watchlist ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA); at Walter Viloria, 33, ikaapat sa drug watchlist sa Lasam.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 10:45 ng gabi nitong Miyerkules nang tinakasan ng parehong nakasakay sa motorsiklo na mga suspek ang checkpoint sa Bgy. San Pedro, Lasam, at pinaputukan pa umano ang mga pulis, na humabol pa rin sa kanila hanggang sa magkasagupaan sa Bgy. Battalan. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog