AURORA, Isabela – Isang guro sa pampublikong paaralan at pangatlo sa drug watchlist ng lokal na pulisya ang pinatay ng mga hindi nakilalang armado habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa provincial road sa Barangay Sta. Rita sa bayang ito.

Sinabi ni SPO1 Seron C. Lucas na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan at agad na nasawi si Cesar Alejandro, 50, alyas “Maestro”, may asawa, ng Bgy Sta. Rosa, Aurora, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon, tanghali nitong Lunes at minamaneho ni Alejandro ang asul niyang Honda XRM motorcycle (BO-8522) mula sa Sta. Rita Elementary School patungong Bgy. Centro, nang sundan siya ng riding-in-tandem at ilang beses na pinagbabaril.

Bukod sa droga, sinisilip ding motibo sa pagpatay ang love triangle. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito