Hulyo 28, 1976, dakong 3:42 ng umaga oras sa Pilipinas, nang yanigin ng 7.8-magnitude na lindol ang lungsod ng Tangshan sa China, 150 kilometro ang layo mula sa Beijing. Ito ang pinakamatinding delubyo na nangyari sa buong mundo sa ika-20 siglo.

Aabot sa 78 porsiyento ng industrial building at 93 porsiyento ng residential building ay lubhang napinsala. Aabot sa 242,000 katao ang namatay.

Maging ang pamahalaang gobyerno ng China ay hindi handa sa trahedya, sinimulang ipamahagi ang mga pagkain, sa pamamagitan ng ng eroplano at helicopter, matapos ang insidente. Ngunit tinanggihan ng gobyerno ang tulong ng mga kalapit-bansa.

Bago ito mangyari, napansin na ng mga mamamayan ang kakaibang lebel ng tubig sa balon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Aabot sa isang milyong residente ang naninirahan sa Tangshan noong panahong iyon.