BATANGAS CITY - Patay sa isinagawang raid ang isang lalaki matapos umanong makaengkwentro ng mga awtoridad sa pagsisilbi ng search warrant sa Batangas City, kahapon.

Dead on arrival sa Batangas Medical Center si Eduard Arago, taga-Villa Anita, Barangay Sta. Clara sa lungsod.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:30 ng umaga nang isilbi ng awtoridad ang dalawang search warrant laban sa suspek pero nanlaban umano ito. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog