Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

10 n.u. -- Jose Rizal vs Letran (jrs)

12 nt- San Beda vs Mapua (jrs)

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

2 n.h. -- Jose Rizal vs Letran (srs)

4 n.h. -- San Beda vs Mapua (srs)

7-0 marka, target ng Red Lions sa NCAA tilt.

Tatangkain ng Mapua Cardinals na maialagwa ang umaaryang San Beda Red Lions sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 92nd NCAA seniors basketball tournament ngayon sa San Juan Arena.

Tangan ang matatag na 6-0 marka, liyamado ang Red Lions sa duwelo sa ganap na 4:00 ng hapon, ngunit kumpiyansa si Mapua coach Atoy Co na masosopresa nila ang nangungunang Bedans.

Galing ang Cardinals sa 88-75 panalo kontra San Sebastian Stags noong Biyernes kung kaya’t may angas si Co para magdeklara ng giyera sa Red Lions. Tangan ng Mapua ang 5-1 karta.

Sa kanilang nakaraang laban, bumalikwas ang Red Lions mula sa 22-puntos na pagkakaiwan upang pataubin ang Arellano University Chiefs, 101-86.

“It’s going to be tough playing a team like Mapua,” pagtatapat ni San Beda coach Jamike Jarin.

Muling sasandig ang San Beda sa rookie Fil-Am na si Davon Potts at ang foreign slotman na si Donald Tankoua habang sasandig naman ang Cardinals kay reigning MVP Allwell Oraeme at skipper CJ Isit.

Samantala, maghahangad ang defending champion Letran na tumabla sa No. 3 spot kasama ng Arellano at University of Perpetual Help, taglay ang 4-2 karta sa 2:00 ng hapon.

Sisikapin ng Knights na bumangon mula sa 55-61 kabiguan sa kamay ng Altas habang magtatangka ang Bombers na sundan ang naitalang 60-59 desisyon sa Emilio Aguinaldo Generals. (marivic awitan)