Hulyo 27, 1866 nang matapos ang unang permanent trans-Atlantic cable, na kayang kumunekta mula Valentia Island, Ireland hanggang sa Heart’s Content, Newfoundland.

Kayang nitong magpadala ng walong salita kada minuto. Ang 693-foot-long na barko na Great Eastern ay responsible sa pagkakabit ng cable.

Limang ulit sinubukan na ikabit ang cable, kabilang ang iba’t ibang scientist, electrical engineer, mandaragat, at tagapagtaguyod. Sinuportahan ni Cyrus Field, isang mangangalakal, ang proyekto.

Taong 1855, halos mapatid na ang cable dahil sa masamang lagay ng panahon. Makalipas ang dalawang taon, ang pagkasira ng USS Niagara ang naging sanhi ng muling pagkaantala ng proyekto, kung saan daan-daang milya ng cable ang nawala.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ngunit naglaan ng karagdagang pondo ang British at American government para sa programa.

Sa simula ng ika-20 siglo, ang mga cable na pag-aari ng iba’t ibang bansa ay nakipag-ugnayan sa Europe at North America sa telegraphs.