NEW TAIPEI CITY – Isa-isa, tumba ang karibal sa ratsada ng Philippine- Mighty Sports Apparels.

Sa pangunguna ni Fil-Am Jason Brickman, umariba ang Mighty Sports sa second quarter tungo sa dominanteng 88-69 panalo kontra Sacramento State University sa 38th William Jones Cup nitong Martes ng gabi sa Xinzhuang Stadium.

Apat na import, sa pangunguna nina sweet-shooting Dewarick Spencer at dating PBA import Vernion Macklin, ang kumana ng double digit score para maitarak ng Philippine Team ang ikatlong sunod na panalo at patatagin ang kampanya sa titulo.

Batay sa format ng torneo, sasabak ang 10 koponan sa isang round ng elimination at ang mangungunang koponan ang siyang tatanghaling kampeon.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Kumana ng siyam na puntos ang 5-foot-9 shooting guard na si Brickman.

“We were slacking off on offense in the first quarter but good thing we found our range late in the second quarter,” sambit ni Mighty coach Bo Perasol.

“We have good and talented players but we need to preserve our energy because this tournament is a daily thing.”

Umarya ang Mighty Sports sa 49-33 bentahe laban sa US NCAA Division II team nang magpakawala ng 17-2 atake na tinampukan ng three-pointer ni Brickman.

Mula rito, hindi na nakaramdam ang Mighty ng pagtatangkang maghabol ang American team

Iskor:

Mighty Sports (88) – Spencer 14, Macklin 14, Singletary 12, Thornton 12, Brickman 9, Graham 8, Gillenwater 7, N’Diaye 6, Salvacion 3, Rodriguez 3, Teng 0, Tang 0.

Sacramento State (69) – Dressler 16, We 13, Stuteville 8, Ugbaja 8, Graves 6, Hornsby 4, Herrick 4, Mauriohooho-Le’afa 2, Patton 0, Strings 0, Jackson 0.

Quarters:

23-23, 54-35, 69-50, 88-69. (REY C. LACHICA)