Binanggit sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkilala at pagbuhay sa Pasig River Ferry System, bilang alternatibong transportasyon na magagamit ng mga pasahero upang makaiwas sa matinding trapik sa Metro Manila, partikular sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Iginiit ni Duterte na ito ang isa mga nakikitang solusyon at dapat tangkilikin ng tao para ibsan ang lumalang krisis sa transportasyon at traffic sa Metro Manila hangga’t isinusulong pa ang karagdagang railway system sa bansa.

Inihayag naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos na asahan ng publiko na madaragdagan ang ferry boats at magbubukas ng ibang terminal ang Pasig River Ferry System ng ahensya sa mga susunod na araw.

Ikinatuwa ni Carlos ang pag-endorso mismo ni Pangulong Duterte sa ferry system at nangangaguluhan aniyang makaaasa ng suporta ang MMDA mula dito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Noong Pebrero 11 nasuspinde ang operasyon ng Pasig River Ferry System subalit binuksan muli ng MMDA noong Abril 28, 2014 dahil sa sabay-sabay na road infrastructure projects.

Kabilang sa mga istasyon/terminal ang Pinagbuhatan at San Joaquin sa Pasig City; Guadalupe at Valenzuela sa Makati City; Hulo sa Mandaluyong City; PUP-Sta. Mesa; Sta. Ana; Lambingan; Lawton; Escolta at Plaza Mexico sa Maynila.

(Bella Gamotea)