ANG polisiya ng Britain sa decolonization ay nagbunsod sa isang kasunduan noong Hulyo 26, 1965, na nilagdaan ni Ibrahim Nasir Rannabandeyri Kilegefan, prime minister, sa ngalan ng Sultan, at para naman sa reyna, si Sir Michael Walker, ambassador ng British na itinalaga sa Maldive islands. Tinapos ng kasunduan ang soberanya ng British at pananagutan para sa depensa at panlabas na ugnayan ng Maldives. Pagkatapos nito, lubusan nang natamo ng mga isla ang kalayaang pulitikal. Isang seremonya ang ginanap sa tahanan ng British High Commissioner sa Colombo.

Sa Independence Day, idinaos sa Republic Square ang selebrasyon na tinampukan ng mga parada, at mga palabas. Ang mga pagtatanghal ay pinaghalo ng tradisyunal at modernong tema. Dumadalo ang presidente at ang lahat ng dayuhang opisyal sa mga aliwan at kasiyahan. Tampok sa araw na iyon ang enggrandeng martsa na inorganisa ng National Cadet Corps at ng National Security Service, na karaniwan nang sinusundan ng mga tradisyunal na sayaw at drills na tinatanghal ng mga bata at kabataan mula sa iba’t ibang paaralan at kolehiyo na nangakasuot ng makukulay na costumes.

Ang Maldives, isang bansang tropical sa Indian Ocean na binubuo ng 26 na corals atolls, ay gawa sa daan-daang isla.

Kilala ito sa naggagandahang dalampasigan, blue lagoons, at reefs. Ang kabiserang Male ay may abalang pamilihan ng isda, mga kainan, at mga tindahan sa Majeedhee Magu, at ang 17th Century na Hukuru Miskiy (kilala rin bilang Old Friday Mosque) na gawa sa coral stone.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang Maldives ang nagtatag ng South Asian Association for Regional Cooperation, at miyembro ng United Nations, ng Commonwealth of Nations, at ng Organization of Islamic Cooperation, at ng Non-Aligned Movement.

Ang diplomatikong ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at ng Maldives ay nagsimula noong 1974. Sa pagdiriwang ng 40 taon na diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa, bumisita sa Pilipinas ang non-resident Philippine Ambassador sa Maldives na si Vivencio T. Bandillo noong Hulyo 13, 2014, at hinirang ang Maldives Foreign Secretary na si Dr. Ali Naseer Mahamed sa Ministry of Foreign Affairs ng bansa. Nagpalitan sila ng mainit na pagbati kaugnay ng 40 taong matatag na relasyon ng dalawang bansa at tinalakay ang mga panukala para mapalawak ang pagtutulungan ng Pilipinas at Maldives sa larangan ng medisina at palakasan, bukod sa iba pa. Iprinisinta ni Ambassador Bandillo ang oil painting ng kalabaw na gawa ng isang Filipino artist habang ang Foreign Secretary na si Mohamed ay nagbigay ng miniature dhoni, isang tradisyunal na bangkang pangisda sa Maldives.

Binabati namin ang Mamamayan at Gobyerno ng Maldives, sa pangunguna ni President Adulla Yamee, sa pagdiriwang nila ng anibersaryo ng Independence Day.