Ginapi ni No.1 seed Chris Aldritz Pondoyo ang kapwa University of Cebu stalwart na si Adrian Basilgo sa ikaanim na round bago walisin ang huling tatlong laro para makopo ang junior title ng Shell National Youth Active Chess Championship’s Visayas leg nitong weekend sa SM City Cebu.

Naghahabol ng kalahating puntos kay Basilgo sa kalagitnaan ng nine-round Swiss system tournament, nagawang masupil ni Pondoyo ang dating lider bago magaan na pinasuko sina Remigio Galenzoga III, Philgymn Villajuan at Marc Villarojo para sa kabuuang 8.5 puntos para makopo ang kampeonato sa 13-16 age bracket.

Nasungkit naman ni Jerish Velarde ng Marie Ernestine School ang titulo sa kiddies class, tangan ang 8.5 puntos, habang nakuha ni Jethro Esplanada ng University of San Jose-Recoletos ang seniors class via tie-break kontra kay Allan Pason.

Nakabawi si Basilgo sa panalo kina Jeremy Tanudra, Aaron Sinining at Galenzoga para sa ikalawang puwesto na may kabuuang walong puntos.

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

Pinangunahan nina Isaias Culanag Jr., Shell Marine Lubricants account manager (Philippines/Thailand/Guam) at Michael Pagaran, Shell active chess alumnus, ang pagbibigay ng medalya at sertipiko sa mga nagwagi sa awarding ceremony.