CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Isang pulis ang binaril at napatay ng isang dating sundalo, na napatay din ng mga rumespondeng awtoridad, matapos sitahin ng pulis ang mataas na kalibre ng baril na bitbit ng dating militar sa Masbate City, nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, pinatay si Insp. Benjie Calixto y Dao-as, 23, ng dating sundalo na si Cesar Punsalan, Jr. y Francisco, 36, taga-Mobo, Masbate.

Sinabi ni Calubaquib na kinumpronta ni Calixto ang pagbibitbit ng umano’y lasing na si Punsalan ng “Uzi” sa surveillance operation ng Masbate City Police sa Bgy. Ibingay, Masbate City hanggang sa barilin ng huli ang pulis, habang si PO1 Roy Balonzo naman ang gumanti para sa kabaro. (Niño N. Luces)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog