RAMON, Isabela - Ligtas na kahapon sa kamatayan ang isang negosyante matapos siyang barilin ng bumili ng padlock sa kanyang construction supply store sa P-3 Bugallon Proper.

Ayon kay PO3 Victor B. Angoloan, isa ang umano’y pagkakasangkot sa illegal quarrying sa tinitingnang anggulo sa pagbaril kay Henry Castillo, 26, negosyante, ng Ramon, Isabela.

Tinamaan din ng bala ang helper ni Castillo na si Jose Cabauatan, na nagtangkang umagaw sa baril ng hindi nakilalang suspek.

Nauna rito, napaulat na pinagbabawalan nang mag-quarry si Castillo sa hindi nabanggit na lugar. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog