CANDELARIA, Quezon – Isang pitong taong gulang na babae at isang driver ng van ang nasawi, habang 13 iba pa ang nasugatan makaraang magkabanggaan ang isang pampasaherong jeep at isang van sa Maharlika Highway, Barangay Mangilag Sur sa bayang ito, nitong Sabado ng hapon.

Nasawi sina Marvic Magdaraog Malehano; at Jayfy Africa Bautista, 48, jeepney driver, kapwa ng San Jose City, Nueva Ecija. Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Malehano, habang binawian ng buhay si Bautista habang ginagamot.

Sugatan naman ang mga pasahero ng van na sina Via Ella Aguila Cervantes, 17; Ronalyn Aguila Malehano, 28; Luisa Aguila Molleno, 51; Ronal Aguila Malihan, 22; Norie Castillo Fernado, 21; Melody Aguila Molleno, 24; Athena Myst Molleno Tominez, 1; Princess Mae Balagso Aguila, 11, pawang taga-Caloocan City.

Nasugatan din sina Margie Mallana Aguila, 31; Dominga Mallana Aguila, 49; Sharon Avila Aguila, 22; gayundin sina Rolando Vasquez; at Diomedes Pera Petallano, 48, driver ng jeep, kapwa nagmula sa Sta. Elena, Camarines Norte.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dakong 2:00 ng hapon at pahilaga ang tumbok ng Isuzu jeepney (DLX-473) na minamaneho ni Petallano nang makasalpukan nito ang kasalubong na Toyota Hi-Ace Van na minamaniobra ni Bautista. (Danny J. Estacio)